Learn “How to send your baggage to the airport”

Learn “How to send your baggage to the airport”

2021.11.12

Kung ikaw ay sasakay ng eroplano at nag-aalala sa bigat ng iyong mga bagahe, mas maiigi na ipadala ang iyong bagahe bago ang iyong flight.

Isa sa mga pinaka konbinyeteng mga bagay na pwede mong gawin na hindi alam ng karamihan ay ipadala ang iyong bagahe ng advance sa airport.

Maraming mga Courier Company sa Japan ang may ganitong klase ng service. Ang Yamato Kuroneko ang tila pinaka sikat sa ganitong service.

*Ipadala ang iyong bagahe ng 2 araw bago ang iyong flight o 3,4 araw kung ang iyong bahay ay malayo sa airport.

Step 1:
Puwede mong tawagan o magpadala ng inquiry sa website ng Kuroneko. Kung nais mo itong papick-up mula sa iyong bahay, ibigay lamang ang iyong impormasyon tulad ng pangalan, address, telepono at pinaka-kombenyenteng oras para ipick-up ang iyong luggage.

Iclick ang mga link para sa English Assistance:
(Toll Fee Free) English support hotline: 0120-17-9625
Online inquiry: https://contact-us.kuronekoyamato.co.jp/webtoi/english/top.do
Help & Support: https://www.kuronekoyamato.co.jp/ytc/en/helpandsupport/

Step 2: I-pack nang mabuti ang iyong bagahe at dapat may kasamang ilang espesyal na palatandaan para para maiwasan ang pagkalito

Step 3: Dalhin ang iyong bagahe sa pinakamalapit na convenience store (tulad ng 7-Eleven, Family Mart, etc.)

Step 4: Bibigyan ka nila ng Delivery Slip (tingnan ang larawan)

Delivery Slip writing procedure:

1).Tingnan ang Green frame, isulat dito ang (airport name, ang terminal, Flight number, at oras ng pag alis)

2). Sa kahon sa ibaba: ilagay ang tamang address, phone number, ang SHIPPER’S NAME ay ang iyong impormasyon. Tukuyin ang uri ng bagahe (mga damit, aklat…) at DAPAT bilugan ang kanji na 空港 at isulat ang petsa ng paglipad sa kanang sulok tulad ng ipinapakita.



 

Sa wakas, susukatin at titimbangin ang iyong mga bagahe, Kailangan mong bayaran ang mga ito batay sa laki, timbang at destinasyon ng mga bagahe.

Iclick ang link na ito to track you luggage

http://track.kuronekoyamato.co.jp/english/tracking

Tandaan na maaaring tumagal ng ilang oras bago maproseso ang iyong bagahe, kaya huwag mag-alala kung hindi mo makita ang status ng iyong bagahe sa loob ng unang 24 na oras.

Bukod pa rito, ang isang katayuan na “hinahawakan ng Yamato Kuroneko” ay siguruhin na ang yong mga bagahe ay dumating sa tamang oras bago ang iyong paglipad.

Sa araw ng iyong flight, kailangan mo lamang na pumunta sa Yamato counter sa mga Airport upang kunin ang iyong mga bagahe.

Tandaan na sa panahon na kasabay ang long holiday sa Japan o masamang panahon, maiiging  ipadala ito ng ilang araw nang mas maaga upang maiwasan ang hindi inaasahan sitwasyon sa mga bagahe.